Sunday, July 24, 2011

Ano Kaya...

Isa syang babaeng aking nakilala sa lugar namin. Simula nagkaisip ako hinangaan ko na ang kanyang pagkatao dahil sa kanyang katatagan at paninindigan sa buhayl. Maputi, maganda at mabait pa. Ano pa nga ba ang hahanapin ng isang lalake kung nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang babae. Ito ang katanungang itinanong ko sa aking sarili noong araw na binigyan ako ng pagkakataon na makilala sya. Sa sobrang kabaitan ay hindi ko maiwasang mahulog sa kanya. Noong una akala ko'y paghanga lamang ang aking nadarama ngunit nang lumaon ay hindi ko namalayang nahuhulog na pala ako sa kanya.

Tumagal ang aming relasyon ng mahigit isang taon. Niminsan ay hindi kame nag-away di tulad ng ibang relasyon kaya naman nasabi ko sa aking sarili na baka sya na nga talaga ang babaeng nakatakda para sa akin. Ngunit ang lahat ng ito ngayon ay tila panaginip na lamang dahil sa isang katotohan na kailangan naming harapin. Nalaman namin mismo sa aming mga magulang na kami pala ay magkamag-anak. Tila gumuho ang aming mundo sa aming nalaman.

Alam naming kami ang nagkamali dahil kung hindi namin minabuting itago ito sa aming mga magulang ay malamang  naitama na namin ang kabaliwang ito. Ngunit kabaliwaan nga bang masasabi ang bagay na ito? Mahal ko at mahal din nya ako. Kahit pigilin ko ang nararamdaman ko sya parin ang sinisigaw ng puso ko...

Ilang beses na akong tulala at iniisip ang aming sitwasyon. Kahit anong iwas at limot ang gawin ko ay sya pa rin ang hinahanap ko. Minsan tuloy napapaisip ako kung ano kaya kung hindi kami nagkita?Ano kaya kung hindi kame nagkakilala? Ni sana ay hindi kame umaabot sa ganito. Ano kaya kung hindi kami magkamag anak eh di sana ay maligaya na kame ngayon tulad ng dati! Hanggang " ANO KAYA" nlng nga ba ang relasyong ito.....?